Creative solutions, panlaban sa vaccine hesitancy – Sen. Go

Marami pa ang maaring gawin para mabura na ang mga pangamba at agam-agam sa COVID-19 vaccines.

Ito ang paniniwala ni Sen. Christopher “Bong” Go kayat hinihikayat niya ang gobyerno na humanap at gumawa pa ng mga kakaibang solusyon para mas marami ang mahikayat na magpabakuna.

“I urge our national and local officials to be creative and innovative in finding ways to reach every willing member of their community as soon as possible. If we have to, let us visit every household in every barangay to ensure that every eligible Filipino is being taken into account when it comes to the vaccination program,” apila nito.

Pagdidiin pa ng senador, napatunayan naman na ang epekto ng mga bakuna para malabanan ang matinding sintomas ng nakakamatay na sakit.

Sa datos na kanyang ibinahagi, hanggang noong nakaraang araw ng Linggo, higit 123 milyon na ang nabakunahan at 57.3 milyon ang fully vaccinated, 59.8 milyon ang may first dose at 6.3 milyon ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Dagdag-apela pa nito sa gobyerno, dapat ay maipaliwanag at maging malinaw sa publiko ang lahat ng mga hakbang na ginagawa partikular na ang nagdulot ng matinding kalituhan na ‘No Vax, No Ride’ policy.

Read more...