Halos 600 pulis, gumaling na sa COVID-19

Nasa 186 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (January 26), 47,603 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,321 ang aktibo pang kaso.

595 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 45,156 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...