Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 359 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 359 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 359,002,377 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 73,449,185 cases.

Sumunod na rito ang India na may 40,082,742 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 24,334,072 naman ang kaso sa Brazil habang 17,302,548 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 16,047,716
– Russia – 11,241,109
– Turkey – 11,090,493
– Italy – 10,212,621
– Spain – 9,395,767
– Germany – 8,956,515
– Argentina – 8,041,520
– Iran – 6,267,559
– Colombia – 5,780,910

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,633,389 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 284,503,788 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...