Pinaniniwalaang nabawasan ang mga nanloloko sa pamamagitan ng GCash sa pagkaka-aresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ng dalawang Nigerian nationals at tatlong Filipino.
Nabatid mula sa NBI – Cybercrime Division, kabilang sa modus ng grupo ay magbenta ng scam pages, kasama na ang panggagaya sa GCash webpage para makapangloko sa pamamagitan ng ‘phishing scam.’
Nakikipag-ugnayan ang GCash sa NBI kapag may natutukoy na phishing sites, gayundin ang mabilis na pagtugon sa mga subpoena ng korte sa pamamagitan ng pagbibigay ng computer data at tumutulong sa mga biktima sa pagsasampa ng mga reklamo.
“We thank NBI Deputy Dir. Ferdinand Lavin, CCD Chief Victor Lorenzo and the entire NBI for their proactive efforts and response against cybercrime. GCash supports government efforts to prevail over criminals and stop them from defrauding our customers,” sabi ni GCash Chief Risk Officer Ingrid Berona.
Pinasalamatan naman ni Lorenzo ang GCash dahil sa pagbibigay suporta na mahuli ng mga nanloloko bilang proteksyon na rin sa ewallet users laban sa cybver criminals.
“As most processes now are done electronically, safeguarding the public online requires everyone’s vigilance and cooperation to combat fraud,” ayon pa kay Lorenzo.
Kasabay nito, pinag-iingat ng GCash at NBI ang publiko laban sa phishing messages na ipinapadala sa pamamagitan ng text messages, email at social media para makakuha ng mga sensitibong impormasyon ng user o subscriber.