Landbank, GCash pinagsabihan ni Sen. Gatchalian na resolbahin ang ‘hacking’ sa teachers’ payroll

Senate PRIB photo

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa Landbank at e-wallet operator GCash na makipagtulungan sa awtoridad para maresolba ang napaulat na diumano’y pagkalimas ng pera ng ilang pampublikong guro.

“Landbank and GCash should cooperate and waste no time in working closely with the authorities to immediately identify and apprehend identify and apprehend those behind the nefarious activity,” diin ni Gatchalian.

Aniya, lubhang nakakaalarma na ang mga insidente ng bank account hacking dahil sa mga iba’t ibang pamamaraan na ginagawa para manakaw ang pera ng mga tao.

Sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education na ang mas nakakabahala sa huling insidente ay pera sa isang government financial institution ang sinasabing nakuha.

“Hindi natitinag ang mga kawatan sa kanilang mga gawain sa gitna ng pinaigting na mga hakbang ng mga kinauukulan laban sa ganitong mga krimen,” sabi pa nito.

Ibinahagi ni Gatchalian na minamadali na nila sa Senado para maipasa ang panukalang Internet Transactions Act, maging ang Financial Products and Services Consumer Protection Act bago ang pagtatapos ng 18th Congress.

Read more...