Binabalak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makipag-partner sa food delivery service apps para matulungan ang mga magsasaka na mabilis na maipagbili ang kanilang mga produkto.
Sinabi ni Sec. Bernie Cruz na kapag natuloy ang plano maiiwasan nang mabulok ang mga produktong agrikultural.
Nabanggit nito na may mga pagkakataon na ipinamimigay na lamang sa mga kapitbahay ng mga magsasaka ang kanilang mga ani sa halip na mabulok dahil lugi pa sila sa transportasyon.
Nabatid na naghahanda na ang kagawaran sa pakikipag-usap sa Grab, Toktok, at Food Panda para makatulong sa pagbebenta at delivery n mga produktong agrikultural.
Ayon naman kay Usec. Emily Padilla, sa ganitong paraan, hindi na makikipag-usap ang mga magsasaka sa mga ‘middlemen,’ na binibili ang mga produkto sa murang halaga.
Dapat din aniyang ibahin ang istratehiya na naghihintay ang mga konsyumer sa mga ani ng mga magsasaka at dalahin na mismo sa kanila ang mga produkto.