Dapat aniya laging handa ang gobyerno para maiwasan ang mas maraming namamatay at naghihirap dahil sa sakit.
“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong COVID-19 variants. Pero ngayon pa lang mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaring sa hinaharap,” aniya.
Nabanggit pa niya ang sinabi ni World Health Organization (WHO) Chief Tedros Ghebreyesus na dahil sa mabilis na pagkalat ng Omicron may posibilidad na may mga sumulpot pang bagong variants ng sakit.
Dagdag pa ni de Lima, dapat handa ang gobyerno sa agarang pagbili ng mga bago at mas mabisang bakuna.
“We must keep up with the latest scientific developments and best practices for us to finally put an end to this pandemic,” ang tweet ng senadora.