Pagkuha ng seaman’s book, libre na

DOTr photo

Inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na gagawin nang libre ang pagkuha ng seaman’s book sa mga seafarer ba kukuha nito sa unang pagkakataon.

Iniulat ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte, araw ng Lunes (January 24), na inaprubahan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) Board na gawing libre ang pagkuha nito.

Maliban dito, aprubado na rin ang pagbibigay ng 50 porsyentong diskwento hanggang Disyembre sa taong 2022 para sa seafarers na magre-renew ng kanilang seaman’s book.

“Ito ‘ho ang tulong natin sa seafarers, ito ‘ho ang isang tulong natin sa ating mga bayani habang may pandemya,” pahayag ni Tugade.

Read more...