Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 2,730

Nasa 158 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (January 25), 47,465 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,730 ang aktibo pang kaso.

444 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 44,609 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...