Lagpas 5.62 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,621,905 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 891,475.
Sumunod na rito ang Brazil na may 623,412 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 489,896 naman ang death toll sa India habang 326,767 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 303,183
– Peru – 204,323
– United Kingdom – 153,916
– Indonesia – 144,227
– Italy – 143,875
– Colombia – 132,477
– Iran – 132,251
– France – 129,022
– Argentina – 119,444
– Germany – 117,515
– Poland – 103,846
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 354,714,665 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 281,629,299 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.