Konstruksyon ng Binondo – Intramuros Bridge, malapit nang matapos

DPWH photo

Malapit nang matapos ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang konstruksyon ng Binondo – Intramuros Bridge Project.

Ayon sa kagawaran, higit 90 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng naturang proyekto.

Kasama ang iba pang opisyal, nagsagawa ng inspeksyon si DPWH Undersecretary and Build Build Build (BBB) Chief Implementer Emil Sadain sa 680-meter bridge project sa bahagi ng Pasig River.

Maari nang maglakad sa naturang tulay, ngunit nanatili itong sarado para sa konstruksyon ng ramps sa Binondo at Intramuros.

Inaasahang mabubuksan ang proyekto sa publiko sa Semana Santa sa taong 2022.

Oras na mabuksan, aabot sa mahigit 30,000 sasakyan ang magbebenepisyo rito kada araw.

Ang P3.39-billion project ay nasa ilalim ng government aid grant mula sa People’s Republic of China.

Isa ang naturang proyekto sa “Build, Build, Build” program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...