Riderhip ng MRT-3 sa taong 2021, umabot sa higit 45-M

DOTr MRT-3 photo

Nakapagserbisyo ng kabuuang 45,675,884 commuters sa linya ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa taong 2021.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na umabot sa 136,935 ang average daily ridership sa nagdaang taon.

Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard Eje, nagsisilbing matibay na testamento ang mataas na MRT-3 ridership na napabuti ang serbisyo ng nasabing linya ng tren, lalo na sa gitna ng pandemya.

“Hindi po nawala ang MRT-3 sa buong taon ng 2021 upang magbigay-serbisyo sa ating mga kababayan sa kabila ng pandemya,” ani Eje at dagdag nito, “The continued patronage of our riding public is a testament to how MRT-3 has really transformed from a defective to a reliable, fast, and efficient public transportation that it is now.”

Samantala, sinabi naman ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na mahalaga sa pagpapabuti ng serbisyo sa nagdaang taon ang pagtatapos ng malawakang rehabilitasyon.

Kabilang dito ang pagbawas sa oras ng biyahe sa pagitan ng North Avenue Station at Taft Avenue Station.

“Sa taong 2021, naramdaman ng mga pasahero ang mga pagbabagong hatid ng rehabilitasyon ng MRT-3, kung saan naibaba natin ang travel time, at naitaas din ang bilang ng mga napapatakbong tren sa mainline, mula 10-15 noon tungong 17-22 ngayon,” saad ni Capati.

Aniya pa, “All the while na-maintain natin yung strict compliance sa COVID-19 health and safety protocols para sa kaligtasan ng mga pasahero.”

Read more...