Naghahanap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng iba pang mga lugar na maaring magamit na vaccination sites, ayon kay Chairman Benhur Abalos.
Aniya bahagi ito ng pagpupursige ng gobyerno na paigtingin pa ang pagbabakuna sa mga hindi pa naturukan ng COVID 19 vaccines, gayundin ang mga kailangan na ng booster shots.
“The mobile vaccination drive at PITX is our pilot site and we plan to expand this to more accessible sites as we go along. It is not enough to have two COVID-19 doses; it is important to get booster shots to be fully protected from the virus,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Abalos ang anunsiyo sa pagbubukas ng ‘We Vax as One: Mobile Vaccination Drive’ sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ang bakunahan sa PITX ay isasagawa hanggang alas-12 ng tanghali sa Enero 28 at target na mabakunahan ang 500 indibiduwal kada araw.
Dagdag pa ng opisyal napakahalaga na makapagbukas ng vaccination sites sa mga ‘strategic places’ sa Kalakhang Maynila para mas marami ang mabakunahan.