Sinabi nito na lubha nang apektado ng pandemya ang mga manggagawa at nasa matinding panganib sila madapuan ng COVID 19.
“Pagkayod para may pangkain at pantugon sa pangangailangan ng pamilya. Pagkaratay dahil sa sakit nang walang pambili ng gamot, pero pilit na nagpapagaling at bumabangon para sa mga mahal sa buhay. Agam-agam na mahawa at mawalan ng kabuhayan, at iba pang mga dagdag pasanin na dinadanas ng ating mga manggagawa ngayong pandemya,” aniya.
Suportado ng 21 grupo ng mga manggagawa ang Paid Pandemic Leave Bill o House Bill No. 7909 na inihain ng Gabriela Partylist.
Noong nakaraang Mayo, inihain ni de Lima ang Senate Bill No. 2148 na nagbibigay ng paid 10 COVID 19 leave sa mga empleado na tatamaan ng COVID 19 at hindi naman makakapasok sa work from home arrangement.
Makalipas ang dalawang buwan, inihain naman ng senadora ang Senate Bill 2307 na magbibigay ng limang araw na paid epidemic leave sa mga kawani sa pribadong sektor, anuman ang kanilamg employment status, kapag sila ay nahawa ng COVID 19.