Sen. Win Gatchalian: The customer is not always right!

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang katuwiran na ‘the customer is always right.’

 

Kasunod ito nang viral video ng pang-aabuso ng isang lalaki sa food delivery service rider dahil lamang walang panukli ang huli sa pera ng una.

 

“Anumang klaseng pang-aabuso sa kapwa, nang dahil lang sa hindi pagkakaintindihan, ay hindi katanggap-tanggap. Hindi dahil customer ay palagi nang tama. Walang dahilan upang pagmalabisan ang mga delivery rider na naghahanap buhay ng marangal,” diin ng reelectionist senator.

 

Sinabi pa ni Gatchalian na sa Senate Bill No. 2302 o ang panukalang ‘Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act, binibigyan proteksyon hindi lamang sa nanloloko ang mga delivery riders, kundi maging sa mga mapang-abusong customer.

 

““Sakaling maging ganap na batas na itong mga panukalang ito, mabibigyan na ng sapat na proteksyon ang mga delivery riders laban sa mga customer na mapang-abuso, mapanghamak, at nanghihiya ng wala sa lugar,” dagdag paliwanag pa nito.

 

Ayon di sa senador, nakasaad din sa panukalang-batas ang pagbibigay proteksyon sa mga karapatan maging ng mga konsyumer.

Read more...