Patuloy ang pagbaba ng kaso ng hawaan ng COVID 19 sa Metro Manila, ngunit tumataas naman sa pitong lalawigan.
Ito ang naging obserbasyon ng OCTA Research, na naobserbahan ang pagtaas sa Mt. Province, Ilocos Norte, Davao del Sur, Apayao, Ifugao, Iloilo at Cebu.
Nakapagtala ng higit sa 100 percent one week growth rate sa mga nabanggit na lalawigan.
“Provinces with highest risk. Negative growth rate ni NCR, Cavite, Rizal Bulacan. High 1-week growth rate (>100%) in Mountain Province, Ilocos Norte, Davao del Sur, Apayao, Iloilo, Ifugao at Cebu,” ang tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.
Samantala, ang growth rate naman sa Metro Manila ay bumaba na sa -50 percent mula sa -42 percent noong Sabado.
Kaugnay pa nito, tanging sa Benguet lamang ang may higit sa 100 average daily attack rate (ADAR), ang average number ng bagong COVID 19 cases sa bawat 100, 000 katao.