Higit 30,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Nasa 30,552 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (January 22), pumalo na sa 3,387,524 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 280,619 o 8.3 porsyento ang aktibong kaso.

8,591 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 267,236 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,996 ang moderate, 1,491 ang severe, habang 305 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 97 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 53,406 o 1.58 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 41,471 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,053,499 o 90.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...