“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses,” pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.
Naniniwala aniya silang iikot lamang sa mga negatibong paksa ang mga tanong ng multi award-winning veteran journalist kay Marcos.
Dapat aniyang tutukan sa diskusyon sa anumang forum kung paano reresolbahin ng aspiring presidents ang mga problema sa bansa, lalo na ang pagbangon sa COVID-19 pandemic.
Importante aniyang mapakita ng presidential candidates ang kanilang mga plano at programa para sa bansa.
“Presidential aspirant Bongbong Marcos’ duty is to the Filipino people and not to a particular tv show or program host,” saad pa nito.
Sa halip, ipagpapatuloy nila ang direktang komunikasyon sa publiko.
“We will continue with our way of communicating direct of the people in so many equally significant shows, platforms and forums where all the attendees are allowed to present their visions, plans and platforms freely, unfiltered and unhindered by any biases,” dagdag nito.
Samantala, tinanggap naman nina Vice President Leni Robredo, Sens. Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno ang imbitasyon.