Mandaluyong LGU, namahagi ng COVID-19 health recovery kits

Photo credit: Mayor Menchie Abalos/Facebook

Patuloy ang pamamahagi ng Mandaluyong City government ng COVID-19 health recovery kits sa mga residente sa lungsod.

Kasunod ito patuloy na pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, nabigyan na ng health recovery kits ang ilang residente sa Block 27 (A, B at C) sa Barangay Addition Hills.

Naglalaman ang naturang kit ng ilang pangunahing gamot pangontra sa ubo, sipon at trangkaso.

Maliban dito, mayroon din itong Vitamin C, Mentholated ointment, alcohol, face mask at towel para sa mga nakatatanda at bata, nakararanas man sila ng mga sintomas o hindi.

Sinabi rin ng alkalde na may kalakip na instruction manual ang kita para malaman kung paano ito ligtas na magagamit ng mga mamamayan ng lungsod.

Sinimulan ng Mandaluyong LGU ang naturang inisyatibo noong January 13.

Base sa huling datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (January 20), nasa 2,209 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Read more...