Nakakuha na ang “Baby Shark Dance” video ng 10 billion views sa YouTube.
Ayon sa Guinness World Records, ang naturang children’s song mula sa South Korea ang unang YouTube video na nakakuha ng nasabing bilang ng views.
Unang in-upload ang video ng Pinkfong taong 2016.
Nag-viral ang video sa Indonesia at South Korea at mabilis na kumalat sa buong Asya noong 2017 kung kaya’t napili ito bilang most viewed children’s music video sa YouTube.
“By February 2021, ‘Baby Shark’ had more views than the entire human population of Earth, becoming the first YouTube video to do so. If its 10 billion views were played back-to-back, they would run for 41,095 years,” saad ng Guinness World Records sa kanilang website.
MOST READ
LATEST STORIES