Makakatanggap ang mga guro at kawani ng Department of Education (DepEd) ng Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2020.
Ito ay matapos masuri ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems (AO25 IATF) ang kagawaran bilang ‘eligible’ para sa taunang insentibo.
“We have consistently introduced reforms in our processes to help our employees provide better services to our stakeholders. I thank the whole DepEd family for contributing to these reforms and to our goal of improving our performance amidst challenging times,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.
Dagdag nito, “We hope to continue this culture of excellence in the Department as we strengthen our programs and projects for basic education.”
Sa isang liham ng AO25 Chairperson at Budget Undersecretary Kim Robert De Leon, nasuri na nakasunod ang DepEd sa 14 sa 15 naaangkop na pamantayan para sa 2020 PBB. Pinakamataas na ito bilang ng nakamit na pamantayan mula nang magsimula ang PBB noong 2012.
“Since the start of PBB implementation in 2012, this is the first time that DepEd got almost a 100% compliance in all of the PBB indicators,” ani Education Undersecretary Cabral.
Aniya pa, “DepEd is ensuring that it will continue its process improvement through the institutionalization of the National Quality Management System (NQMS) to meet the eligibility indicators for PBB 2021.”proseso ng ahensya sa pagbibigay mga serbisyo.
Humiling naman ang DepEd sa AO25 IATF sa magsagawa ng re-validation sa pagsusumite ng Undertaking of Early Procurement para sa halos 50 porsyentong goods at services matapos masuri ng PBB Secretariat ng kagawaran na nakasunod ang Central Office at lahat ng regional offices sa nasabing pamantayan hanggang noong Oktubre 15, 2021.
Samantala, kasama ang school-based personnel sa tatanggap ng FY 2020 PBB, na ibabase sa resulta ng DepEd school-level RPMS para sa 2020.