339 pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 339 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (January 21), 46,777 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 3,451 ang aktibo pang kaso.

370 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 43,200 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...