Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 342.80 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 342.80 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 342,802,029 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 70,448,721 cases.

Sumunod na rito ang India na may 38,563,632 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 23,588,921 naman ang kaso sa Brazil habang 15,613,283 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 15,600,647
– Russia – 10,938,261
– Turkey – 10,736,215
– Italy – 9,408,188
– Spain – 8,834,363
– Germany – 8,397,328
– Argentina – 7,576,335
– Iran – 6,236,567
– Colombia – 5,655,026

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,592,576 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 276,267,884 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...