Ulat ng DA ng kapos na suplay ng isda, fake news! – Sen. Imee Marcos

Inakusahan ng pagdadahilan lang kayat hinihingian ng paliwanag ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) ukol sa balak na pag-angkat ng 60,000 metriko tonelada ng isda.

 

Ayon kay Marcos, bilang namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs, alam niya na may sapat na suplay ng isda sa bansa at kapag itinuloy ang balak na importasyon ay papatayin nito ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

 

“May sapat na supply tayo ng isda mula sa mga hindi pa naibentang naka-imbak noong 2021 at nakatakdang i-deliber hanggang Marso. Bukod dyan, matatapos na rin naman ang closed fishing season,” pagdidiin ng senadora.

 

Unang ikinatuwiran ng DA na malaking pinsala ang inabot ng sektor ng pangisda sa pananalasa ng bagyong Odette kayat kailangan na mag-angkat ng galunggong, sardinas at mackerel.

 

Ngunit sa datos mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Fisheries Inspection and Quarantine Division lumitaw na tanging 14,349 metriko tonelada ng isda ang nabenta sa merkado, mula sa 60,000 metriko tonelada na inilaan sa 25 importers na nag-apply para sa 48,985 metriko tonelada.

 

Ayon kay Marcos may 35,000 metriko tonelada ang naka-imbak at paparating, bukod pa sa 11,015 metriko tonelada na maari pang angkatin ng mga importers.

 

Kinuwestiyon din ng senadora ang hindi pag-intindi ng DA sa pahayag ng

National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) na wala namang pangangailangan para mag-angkat ng mga isda sa unang tatlong buwan ng taon.

 

Read more...