31,173 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Nasa 31,173 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (January 20), pumalo na sa 3,324,478 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 275,364 o 8.3 porsyento ang aktibong kaso.

8,424 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 262,168 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,979 ang moderate, 1,488 ang severe, habang 305 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 110 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 53,153 o 1.60 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 26,298 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,995,961 o 90.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...