Pagtanggap ni Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 booster shot, walang problema – Duque

Photo credit: Sen. Bong Go/Facebook

Walang nakikitang problema si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpapa-booster shot kontra COVID-19 ni Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang bakunang gawa ng Sinopharm ng China.

Ayon kay Duque, may nakuha nang emergency use authorization (EUA) ang Sinopharm sa Food and Drug Administration (FDA).

Pasado aniya ang Sinopharm kung ang pag-uusapan ay kaligtasan at ang pagiging epektibo.

Matatandaang Sinopharm ang ginamit na bakuna ni Pangulong Duterte sa first at second dose pati na sa kanyang booster shot.

Read more...