Magkakasa ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng limang anak na mobile COVID-19 vaccination drive sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Target ng “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive” na mabigyan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang mga pasahero at transport worker mula January 24 hanggang 28 sa taong 2022.
Sinabi ni Transportation Secretary Art Tugade na planong makapagbigay ng 500 bakuna kada araw.
“Mahalaga po para sa atin na masigurong bakunado ang ating mga bayaning transport workers, lalo na at iba’t ibang lugar ang kanilang pinupuntahan, gayundin ang ibang stakeholders at mga commuters na kanilang nakakasalamuha sa araw-araw,” pahayag ng kalihim.
Magiging bukas ang vaccination site sa PITX simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Payo naman sa mga nais magpabakuna, magtungo sa Gate 4 sa PITX 2nd floor.
Papayagan naman ang walk-in vaccinees sa vaccination drive dahil may ihahandang registration area.