Ayon kay Duque, hindi dapat na ihambing ng World Bank ang Amerika at Pilipinas.
Paliwanag ni Duque, nauna kasing magbakuna ang Amerika noong 2020 habang ang Pilipinas ay nagsimula lamang noong nakaraang taon.
Kung tutuusin, sinabi ni Dique na nag-stabilize lamang ang suplay ng bakuna ng Pilipinas nang mag-donate ang COVAX Facility sa bansa.
Pero bagama’t huli ang Pilipinas sa pagbabakuna, dapat aniyang tingnan ng World Bank na mababa pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at namamatay sa bansa.
Iginiit pa ni Duque na maraming sagabal na kinaharap ang Pilipinas gaya ng nagdaang Bagyong Odette dahilan para maantala ang pagbabakuna.
Kumpiyansa si Duque na magtutuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa Pilipinas lalo’t sapat na ang suplay nito.