Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 3,482 pa

Nasa 349 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (January 20), 46,543 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 3,486 ang aktibo pang kaso.

482 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,935 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...