Lagpas 5.58 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,583,542 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 880,814.
Sumunod na rito ang Brazil na may 621,927 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 487,719 naman ang death toll sa India habang 323,376 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 302,112
– Peru – 203,645
– United Kingdom – 152,872
– Indonesia – 144,192
– Italy – 142,205
– Iran – 132,132
– Colombia – 131,437
– France – 127,869
– Argentina – 118,628
– Germany – 116,868
– Poland – 103,062
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 339,310,261 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 272,865,739 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.