Pagtanggap ng transaksyon para sa evaluation at assessment ng business tax sa QC, itinigil muna

Pansamantalang itinigil ng Treasurer’s Office sa Quezon City ang pagtanggap ng transaksyon para sa evaluation at assessment ng bayarin sa business tax ng mga negosyante.

Ito ay dahil kailangang ipatupad ang health protocols na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.

Dagsa kasi ang mga nagbabayad ng renewal ng business permit at lisensya.

Inanunsyo ng QC LGU na ang evaluation, assessment at pagbabayad ng business tax para sa una at ikalawang quarters o sa loob ng anim na buwan ay extended hanggang July 20,2022 alinsunod sa nalagdaang ordinansa para dito.

Dapat sana sa January 20, 2022 ang deadline pero upang bigyan ng dagdag na panahon ang taxpayers ay minabuting habaan pa ang panahon ng pagbabayad para dito.

Read more...