Expansion ng limited face-to-face classes ikinatuwa ng DepEd

Ikinagalak ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba ni Pangulong Duterte sa pagpapalawak ng ikinakasang pilot testing ng limited face-to-face classes.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, sinabi na nagkaroon ng kumpiyansa si Pangulong Duterte para suportahan at pagtiwalaan ang hakbang dahil sa matagumpay na pilot testing sa 287 public at private schools noong Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20.

 

Nabatid na walang tinamaan ng COVID 19 sa 15,683 mag-aaral na napabilang sa nabanggit na pilot testing.

 

Naging positibo din ang pagtanggap ng mga mag-aaral, guro, maging ng mga magulang sa pagbabaliok eskuwelahan ng mga bata makalipas ang mahigit isang taon.

 

Nagresulta din ito ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, LGUs, magulang at mga opisyal ng paaralan.

 

Read more...