Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (January 19), pumalo na sa 3,293,625 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 270,728 o 8.2 porsyento ang aktibong kaso.
8,335 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 257,632 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,970 ang moderate, 1,487 ang severe, habang 304 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 82 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,044 o 1.61 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 36,611 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,969,853 o 90.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.