Beteranong komedyante na si Don Pepot, pumanaw na

Pumanaw na ang beteranong komedyante na si Ernesto Fajardo o mas kilala bilang “Don Pepot”.

Sa Facebook, inanunsiyo ng kaniyang anak na si Michael Fajardo ang pagpanaw ng komedyante.

Aniya, sumakabilang-buhay si Don Pepot 8:32, Miyerkules ng gabi (January 18), dahil sa acute respiratory failure dulot ng COVID-19.

“His wake will be at Solennelle Funeral Homes at Valenzuela, along Maysan Road,” ayon sa kaniyang anak.

Sumikat si Don Pepot sa kaniyang mga ginampanang role sa John and Marsha,” at “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.”

Read more...