Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, titingnan muna ang output ng ginagawang pagbabakuna.
Target kasi aniya ng pamahalaan na mabakunahan ang 77 milyong katao sa unang quarter ng taong 2022 para maging handa ang mga botante sa eleksyon sa Mayo.
Kung hindi aniya maabot ang 77 milyong target population sa unang quarter, maaring ikonsidera ang istratihiyang mass vaccination.
Matatandaang ikinasa ng gobyerno ang National Vaccination Day na “Bayanihan, Bakunahan” noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.
“Well pinag-aaralan na po natin yan. yung binabanggit nyo na national vaccination days, it’s something na we might consider. tingnan natin kung ano yung magiging output nitong vaccination na demand generation na ginagawin namin ngayon. But if we see the need, halimbawa, matatapos na ang first quarter ng 2022 at hindi pa naraarating yung 77 million na target natin, then perhaps it’s one of the strategies na ico-consider natin,” pahayag ni Nograles.