492 pang kaso ng Omicron variant, naitala sa bansa

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng 492 pang kaso ng COVID-19 Omicron variant sa Pilipinas.

Sinabi ng kagawaran na 68 porsyento ang nasabing datos ng 714 samples na sinuri.

Sa 492 na karagdagang Omicron cases, 332 ang local case o walang travel history habang 160 naman ang returning Filipinos.

Sa ngayon, umabot na sa 535 ang kumpirmadong kaso ng naturang variant ng COVID-19 simula nang unang ma-detect sa bansa noong December 15, 2021.

Ayon sa DOH, dalawang kaso ang nasawi, tatlo ang aktibo, 467 ang gumaling, habang 20 naman ang bineberipika pa.

Samantala, umabot naman sa 8,612 ang kaso ng Delta variant sa bansa.

Read more...