Pangulong Duterte, walang naranasang adverse effect matapos makatanggap ng COVID-19 booster shot

PCOO photo

Walang naranasang adverse effects si Pangulong Rodrigo Duterte nang mabigyan ng booster shot kontra COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, naging maayos naman ang lagay ng Pangulo at walang masamang epektong naidulot sa katawan.

Sinopharm ang ginamit na bakuna ni Pangulong Duterte sa kanyang first dose, second dose at booster shot.

Ayon kay Nograles, nasa desisyon na ni Pangulong Duterte at ng kanyang doktor ang pagpapaturok ng booster shot.

Una rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa nila inirerekomenda na bigyan ng booster shot ang mga naturukan ng Sinopharm vacccines.

Read more...