Higit 500 pulis, naka-recover na sa COVID-19; Isa pumanaw

Nasa 323 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (January 19), 46,291 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 3,615 ang aktibo pang kaso.

503 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,550 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 126 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...