Pumalo na sa 335.36 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 335,366,984 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 68,767,004 cases.
Sumunod na rito ang India na may 37,901,241 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 23,215,551 naman ang kaso sa Brazil habang 15,399,300 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 14,739,297
– Russia – 10,865,512
– Turkey – 10,591,757
– Italy – 9,018,425
– Spain – 8,518,975
– Germany – 8,140,446
– Argentina – 7,318,305
– Iran – 6,227,849
– Colombia – 5,596,917
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,573,545 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 271,056,320 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.