Pag-importa ng galunggong sa China ikakamatay ng mga mangingisdang Pinoy – Sen. Ping Lacson

Tinutulan ni Senator Panfilo Lacson ang balak ng gobyerno na mag-angkat ng galunggong sa China sa katuwiran na ikakamatay ito ng mga mangingisdang Filipino.

 

“After killing our farmers by importing vegetables and fruits, it is the turn of our fishermen to die,” ang tweet ng presidential aspirant ng Partido Reporma.

 

Unang inanunsiyo ng Department of Agriculture na magkukulang ng 119,000 metriko tonelada ang suplay ng galunggong sa bansa dahil sa ginawang pananalasa ng bagyong Odette.

 

Katuwiran naman ni Lacson sa kanyang pagtutol sa plano, naging kuwestiyonable at pinagdudahan pa ng korapsyon ang mga naunang pag-aangkat ng DA ng karne ng baboy, karne ng manok, isda at maging iba pa pang produktong mula sa dagat..

 

Idinagdag pa nito na hindi katanggap-tanggap na sa China pa planong mag-angkat ng libo-libong tonelada ng galunggong sa kabila ng panggigipit sa mga mangingisdang Filipino bunga ng isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“Because of the incursions of Chinese vessels, we are denied 300,000 metric tons of fish… If you divide 30 million kilos of fish by 40 kilos, that would translate to 7.5 million Filipino families bumibili from other sources na isda. That’s unacceptable,” pagdidiin pa ni Lacson.

 

Read more...