Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakihan at pataasan pa ang rebulto ng Filipinong bayani na si Lapulapu sa Cebu.
Ayon sa Pangulo, dapat mas malaki ang rebulto ni Lapulapu kaysa sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan na kanyang tinalo sa Battle of Mactan.
Sa Talk to the People, sinabi nito na iginagalang naman niya ang opinyon ng mga gumawa ng rebulto nina Lapulapu at Magellan na ilangd istansya lamang ang layo sa isa’t-isa.
Ayon sa Pangulo, dahil siya ang pinuno ng bansa ngayon, papapalitan niya ang rebulto ni Lapulapu.
Inatasan ng Pangulo si Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles na pagsabihan ang National Historical Commission of the Philippines na asikasuhin ang kanyang hiling na lakihan ang rebulto ni Lapulapu.