Nakahanda na ang Quezon City para magbakuna kontra COVID-19 sa mga batang nag-eedad 5 hanggang 11 taong gulang sa buwan ng Pebrero.
Kasunod na rin ng pag-apruba ng Food and Drug Administration ng Emergency Use Authorization ng Pfizer BioNTech vaccine.
Ayon kay Dr. Maria Lourdes Eleria, coordinator ng Quezon City Task Force Vax to Normal, nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa mga barangay at public at private schools sa lungsod para sa pagbuo ng master list ng mga batang babakunahan.
“We are now synchronizing the list of children enrolled in our schools and those included in the census of our barangays so we can identify the number of children eligible for this round of pediatric vaccinations,” pahayag ni Eleria.
Ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) at Department of Health (DOH) ang maglalabas ng guidelines para sa pagbabakuna sa mga bata.
“We need to abide by the guidelines of the national government especially concerning issues such as the amount of doses, requirements pertaining to eligible vaccination sites, protocols in administering the vaccines, and other special instructions for the safe implementation of the vaccine program for this younger population,” pahayag ni Eleria.
Sinabi naman ni Mayor Joy Belmonte na todo paghahanda na ang kanilang ginagawa sa pagbabakuna sa mga bata lalo’t may banta ng Omicron variant.
“Finally our younger children will be given the opportunity to receive the protection they so badly need in order to experience some kind of normalcy in their lives after having been cooped up for so long inside their houses to prevent the risk of infection. The pedia vaccines for 5-11 year olds will ensure that they will no longer suffer the side effects of prolonged immobility such as mental health problems, and can spend time with their parents and older siblings in recreational environments as well as eventually go back to face to face classes,” pahayag ni Belmonte.
Inihahanda na ngayon lokal na pamahalaan ang online registration system sa pamamagitan ng website na QCVaxEasy Portal (www.qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy).