Sinusuri na ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng tatlong vaccine makers para maamyendahan ang emergency use authorization (EUA) upang magamit ang bakuna kontra COVID-19 sa mga bata.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni FDA acting director-general Oscar Gutierrez na ito ay ang mga kompanyang Bharat Biotech’s Covaxin, Sinovac’s CoronaVac, at China state-owned Sinopharm.
Kapag naaprubahan, sinabi ni Gutierrez na limang brand na ng bakuna ang maaring magamit sa mga bata.
Sa kasalukuyan, inaprubahan na ng FDA ang paggamit ng Pfizer at Moderna COVID vaccines para sa mga bata na nag-eedad 12 anyos pataas.
Base sa aplikasyon ng Bharat Biotech, humihirit itong magamit ang Covaxin sa mga bata na nag-eedad 2 hanggang 18 anyos.
Target naman ng Sinovac na magamit ang bakuna sa mga edad 3 hanggang 17 anyos.
Habang ang Sinopharm ay target na gamitin sa mga bat ana edad 3 hanggang 17 anyos.