Suspendido ang plenary session sa Kamara simula ngayong araw.
Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, ito ay dahil sa dami ng mga miyembro at personnel ng Kamara ang nag-positibo sa COVID-19.
Babalik ang sesyon sa Kamara sa Enero 24.
Ayon kay Velasco, simula ngayong taong 2022, 70 na miyembro at empleyado ng Kamara ang tinamaan ng virus.
Tiniyak naman ni Velasco na tuloy pa rin ang trabaho sa Kamara kahit suspendido ang plenary session.
Katunayan, kahapon lamang, Enero 17, 19 na panukalang batas ang naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Kabilang sa mga naaprubahan sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng ayuda sa higher education, karagdagang benepisyo sa mga senior citizen, rural financial inclusion at pagbabawas ng buwis sa live entertainment industry para makarekober sa pandemya sa COVID-19.