DepEd hinikayat ang mga walang sakit na estudyante na mag-self study

Photo credit: DepEd Philippines/Facebook

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga walang sakit na estudyante na mag-‘self study’ kahit sila ay naka-‘academic break.’

Nagdeklara ng ‘academic break’ sa Metro Manila at ilang lugar dahil sa pagkakasakit ng mga guro at ilang estudyante kasabay nang pagsirit ng bilang ng mga nahawa ng COVID-19.

Ayon kay Education Undersecretary  Diosdado San Antonio uubra naman ang ‘self-study’ dahil blended learning system pa rin ang umiiral na sistema ng pag-aaral sa bansa.

Aniya maaring aralin ng mga estudyate ang kanilang self-learning modules habang umiiral ang academic break.

Una na rin sinabi ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang mga estudyante na walang sakit ay maaring mag-review ng kanilang mga aralin.

Sinabi pa nito na maari pa rin silang makipag-ugnayan sa kanilang mga guro kahit suspendido pa ang mga klase.

Read more...