5 sasakyan, nagkarambola sa C-5

c5 mapNagkarambola ang limang sasakyan sa bahagi ng C5-Kalayaan na nagresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ayon may Emma Loristo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) metrobase naganap ang aksidente sa northbound lane ng C5 sa kanto ng Kalayaan Avenue ala 1:20 ng hapon ng Sabado.

Sangkot sa aksidente ang isang sedan, dalawang sports utility vehicle (SUV), isang Asian utility vehicle (AUV) at isang trailer truck.

Wala namang nasaktan sa aksidente at kaunting sira lamang ang tinamo ng mga sasakyan perp agad nagsikip ang daloy ng trapiko bunsod ng nasabing aksidente.

Alas of 2:02 ng hapon naman ay naialis na din sa lugar ang lahat ng sangkot na sasakyan. / Inquirer.net, Dona Dominguez-Cargullo

Read more...