“Sinungaling si Binay”-Lacierda

binay-0910-660x371
Inquirer file photo

Tinawag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sinungaling si Vice President Jejomar Binay dahil sa umanoy magkakaibang pahayag nito ukol sa administrasyong Aquino.

Inakusahan ni Lacierda si Binay na hindi tama ang gawi para sa isang opisyal na trinato ng maayos ni Pangulong Aquino. “It is very unbecoming of a public official to speak ill of the President who has treated him very well in the highest possible manner,” pahayag ni Lacierda.

Buwelta ng kalihim kay Binay, nagsisinungaling ba ito noon o ngayon, bagay na patungkol sa mga batikos ng pangalawang pangulo sa gobyerno makalipas ang limang taon nito sa gabinete.

Kinuwestyon din ni Lacierda ang pagkawala ni Binay sa mga cabinet meetings at ibang trabaho sa pamahalaan sa nakalipas na limang taon.

Itinanggi rin ng opisyal ang sinabi ng kampo ni Binay na hindi ito trinato na parang kaalyado. Ayon kay Lacierda, inirespeto sa administrasyon si Binay dahil sa posisyon nito.

Hindi anya iba ang trato ni Pangulong Aquino kay Binay gaya sa ibang gabinete at binigyan ito ng iba pang posisyon gaya ng Presidential Adviser on OFW concerns at Housing Czar./ Len Montano

Read more...