82 pang overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19

May 82 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 17, nasa 24,373 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 104 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 8,474 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Apat naman ang bagong gumaling kung kaya 14,441 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Apat din ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,458 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,179 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 1,073 naman ang kaso sa Americas at 6,470 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...