Magdo-donate ang Chinese government ng karagdagang 100 million RMB yuan o katumbas ng P800 milyon sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, bahagi ito ng suporta sa rehabilitation efforts ng gobyerno sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Odette.
Inanunsiyo ni State Councilor at Foreign Minister of China H.E. Wang Yi sa kaniyang talumpati sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations ang naturang tulong.
Aniya, magkatuwang ang Pilipinas at China sa anumang pinagdadaanang problema.
Nang tumama ang nasabing bagyo, agad nagparating ng pakikisimpatya si President Xi Jinping at nagpadala ng emergency assistance.
“The Filipino people are strong and resilient. We believe that under the leadership of President Duterte and the Philippine government, people of the affected areas will rebuild their home at an early day,” saad nito.
Umaasa aniya ang Chinese government na makakatulong ang donasyon sa pagbangon ng mga probinsyang apektado ng nagdaang bagyo.