Palasyo, binalaan ukol sa paggamit ng pangalan ng ilang opisyal para sa hindi awtorisadong medical bond

PCOO photo

Binalaan ng Office of the Presidential Spokesperson (OPS) ang publiko ukol sa paggamit ng pangalan ng ilang opisyal ng gobyerno para mag-solicit ng medical bond.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni acting Presidential spokesperson Karlo Nograles na may ilang indibiduwal na ginagamit ang kaniyang pangalan at kay Secretary Silvestre Bello III para sa P6,000 halaga ng medical insurance.

Ginagawa ang naturang modus bilang ng ilegal na recruitment at hiring procedure gamit ang letterheads ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Paalala ng OPS, maging alerto sa mga ilegal na solicitation scheme.

Hinikayat nito ang publiko na agad i-report ang kahalintulad na aktibidad sa 8888 Citizens’ Complaint Center.

Read more...